Ekonomiya at Pulitika ng Pilipinas

Mga Palagay, Puna at Kuro-kuro

1. Ang problemang ekonomikal na kinakaharap ng Pilipinas sa kasalukuyan ay hindi agad-agarang mahihinto sa bayolente at bara-barang pagrerebolusyon ng mga manggagawa dahil malamang ay aalma ang mga nakakataas sa ganitong paghihimagsik, at ito’y maaaring makalala pa sa ating kalagayan. Kung ganon, patuloy lang tayong umiikot sa isang bisyus saykel. Ngunit hindi rin natin ito dapat ipagsawalang-bahala na lamang dahil tayo’y babagsak hanggang sa tuluyan nang malugmok sa mga krisis ng ating bansa. Dapat ay imulat natin ang ating mga mata sa katotohanan at makita ang reyalidad na ang inaakala nating nakakatulong sa atin ay siya palang humuhuthot sa ating yaman na dapat sana’y sa atin. Maaari ngang mahina pa ang ating pwersa upang labanan ang mga mapaglinlang na tao na siyang nang-aabuso sa kahinaan ng mga Pilipino. Ngunit kung tayo’y magiging kritikal at mapanuri sa mga bagay-bagay sa ating paligid, at kung matututo tayong ihayag ang ating saloobin at ipaglaban ang ating mga karapatan, at kung tayong mga Pilipino ay magkakaisa, di rin maglalaon ay magiging sapat ang ating lakas upang ibangon ang Pilipinas sa karimlang pinagdudusahan natin ngayon. (R)
2. Ang pagbabasa ng librong Ekonomiya at Pulitika ng Pilipinas ay makakatulong sa ating bansa lalong-lalo na sa kalagayan natin ngayon. Dito sinabi kung ano – ano ang mganangyari noong panahon ng 1980’s lalong-lalo na nung martial law sa pamamahala ni PAngulong Ferdinand Marcos.
Isinasaad ng libro kung ano dapat ang gawin ng mga Pilipino, dahil sa may pagka-aktibista si Jose Maria Sison ang daming niyang gusting gawin at gusto niya ay gawin din ito ng iba pa niyang kababayan.
Maganda at may saysay ang kanyang mga isinulat ang kanyang mga paniniwala, may kabuluhan lahat ng sinabi niya kailangan lumaban ng mga Pilipino dahil isang demokrasyang bansa ang pilipinas at parati lang tayong sunod – sunuran ang mga Pilipino at walang magawa. Pero ang mahirap ngayon ay wala ng mabuting papalit sa mga naka-upo sa gobyerno kaya ang mga tao ay hindi nila alam kung ano ba ang kanilang ipaglalaban. Hindi gaya nung 1986 na lahat ng tao ay nagkaisa para maibalik ang demokrasya sa ating bansa. Ngayon, nabaliwala ang pinag-hirapan ng mga tao na nakipaglaban dahil ngayon ay pareho parin an gating problema. Madaming ngang nakikipag-laban pero kulang parin ito upang makamit ang gusto nating mangyari na gumanda an gating buhay lalong-lalo na ang ating ekonomiya.
Madami akong natutunan sa librong ito, sana ay mabasa ito ng mga Pilipino upang magising sila ulit at malaman kung ano ba dapat ang ipaglaban nang mga Pilipino. Sana lang ay makabalik siya ditto sa pilipinas para matulungan tayo at mas maintindihan kung ano dapat ang ipaglaban. (G)

3. Ang unang salitang pumapasok sa aking isipan kapag makita ko o marinig ko ang pangalan ni Jose Maria Sison ay ang salitang 'komunista'. At dahil sa media, napakapangit agad ng impresyon ko dito sa salitang ito. Pero ipinakita sa akin ni Joma dito sa librong ito na hindi pala masama, makasarili, malaterorista o pangit ang kanyang mga hangarin. Kabaliktaran nga ng mga salitang ito ang kanyang ninais-nais para sa Pilipinas at sa mga Pilipino. Kaunlaran ng Pilipinas ang gusto ni Joma. Ang magandang buhay para sa bawat Pilipino ang kanyang tanging pangarap.
Makabayan sa Joma. Makabayan sa lahat ng aspeto ng salitang iyon. Kapakanan ng bayan ang palaging nauuna sa kanya. Ang perpekto sa kung mayroong ganitong espiritung pagiging makabayan sa bawat isa sa atin, sa lahat ng Pilipino. at talagang uunlad ang Pilipinas. Tiyak na gaganda ang ating buhay kung sa kabuuan ay hindi tayo makasariling mamamayan.
Tama ang mga pananaw ni Joma – lalo na sa ekonomiya at pulitika ng Pilipinas. Makikita talaga sa kanyang mga pahayag ang imperyalismo ng Estados Unidos. Makikita na lahat ng mga patakarang ibinuo ay para sa kapakanan at kabutihan nila. Para bang kunyaring 'ibinigay' nila muli ang ating 'kalayaan' sa atin nuong 4 Julyo 1946 pero sa katotohanan ay ginawa lang tayong "puppet" nila. Lahat ng gusto nila nasusunod, lahat ng gawin nila sa Pilipinas pwede, kung may gusto tayong gawin ay aaprubahan muna nila. Hanggang ngayon ay totoo parin ito sa aking pananaw. Ang lungkot naman.
Paano na ang Pilipinas? Kailan ba tayo magkakaroon ng tunay na kalayaan? Kailan ba talaga magiging para sa at tunay na Pilipino ang Pilipinas? At kung isang araw, sa awa ng Diyos ay maging sariling atin na nga ito, kailan tayo uunlad? Kailan tayo magiging Pilipinas kung saan walang nagugutom na Pilipino? Kung saan lahat ng mga bata ay mayroong magandang kinabukasan? Kailan tayo magiging Pilipinas kung saan wala sa panganib ang buhay ng mga mamamayan?
Ang daming mga tanong na napakahirap sagutin, dahil mukhang wala itong tiyak na nga sagot. Pero napakaganda ng mga ideya ni Jose Maria Sison. Lalo na ang mga tungkol sa pambansang industriyalisasyon, pagpaplano sa ekonomiya, at tunay na reporma sa lupa. Pero mukhang napakaideyalistiko. Pero kung maisasatupad ang mga ito, ang sistema ng Bagong Demokrasya, magiging mas patas ang buhay, mas maganda at malaki ang posibilidad na umunlad ang Pilipinas. (E)

Makibaka at 3:32 PM

maystar designsmaystar designsmaystar designs
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com