Ekonomiya at Pulitika ng Pilipinas

Chapter 7

VII. Pag-unlad ng Ekonomiya

Ang planado at balanseng pag-unlad ng industriya at agrikultura na pambansang industriyalisasyon ang pangunahing salik, at agrikulturang nakikinabang sa tunay na reporma sa lupa ang batayan ng pag-unlad ng ekonomiya.

Ang Pilipinas ay mayroong:
· mabilis na lumalaking lakas-paggawa
· komprehensibo’t mayamang base ng likas na yamang tulad ng matabang lupa, kagubatan, karagatan at halos lahat ng mineral na esensyal sa industriyalisasyon

Sa tulong ng mga ito, ang modernong ekonomiyang pang-industriya ay maitatatag. Ngunit imposible ang pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas kung hindi igigiit at gagmitin ang soberanong kapasyahan ng mamamayang Pilipino, laban sa US at lokal na uring nagsasamantala.

Ang patakaran sa ekonomiya ay hindi na dapat idinidikta ng mga ahensya ng US, mga kumpanya’t bangkong transnasyunal o sa pamamagitan ng gayong multilateral na mga ahensyang kontrolado ng US tulad ng IMF at World Bank kundi dapat dinidisisyunan ng mamamayang Pilipino mismo sa pamamagitan kanilang mga makabayang lider at mga gumagawa ng patakaran at nagpaplano ng ekonomya.

Ang pagsasabansa ng ekonomiya ang pinakapaborableng kondisyon sa pag-unlad ng ekonomiya. Ito ay masasagawa sa apat na pangunahing paraan:

a. Pambansang Industriyalisasyon

Ang pambansang industriyalisasyon ang pangunahing magpapaandar sa tunay na pag-unlad ng ekonomiya. Kung walang pambansang industriyalisasyon, hindi makakaahon sa pagkabalahong agraryo at hindi masasalo ang papalaking sobrang laka-paggawa.

Mga dapat gawin:
· Dapat palawakin ang produksyon ng hilaw na materyales pangunahin para sa lokal na pagpoproseso sa bayan.
· Dapat komprehensibong isagawa sa bayan ang una, ikalawa, at ikatlong yugto ng produksyong industriyal.
· Kailangan ang mabibigat na industriya. Pero dapat iwasan ang sobrang konsentrasyon ng puhunan sa mabibigat na industriya. Dapat mabilis na palawakin hanggang posible ang magaang industriya o pagmamanupaktura para sa kagyat ng pangkonsumo ng mga tao. Pinaghuhugpong nito ang mabibigat na industriya at ang agrikultura.
· Dapat mangutang para sa industriyalisasyon. Ang mga agong plantang industriyal ay pwedeng bayaran nang hulugan na ang kabayara’y isang bahagi ng taunang produkto o kita.
· Lahat ng Pilipinong may kasanayang pangmanidyer, kasanayang syentipiko at kasanayang teknikal ay dapat hikayating lumahok sa pambansang industralisasyon.

b. Tunay na Reporma sa Lupa

Ang susing hakbang sa tunay na reporma sa lupa ay ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasakang walang lupa, pati na sa maralita at nakakababang-panggitnang magsasaka. May sapat na lupang maipapamahagi kaya’t makakaasa-sa-sarili ang bawat kabahayang magsasaka.

Pwedeng ipamahagi sa magsasakang walang lupa ang lupang:
· Iligal na nakuha
· Inilit ng mga bangko ng estado
· Nakatiwangwang o sobrang bahagi ng lupang para sa pananim o eksport
· Publiko na kunwari’y inuupahang maging pastulan, taniman ng puno, atbp.
· Pinagtrotrosohan na angkop sa agrikultura

Integral sa programa sa pamamahagi ng lupa ang pagkakaroon ng:
· Mga probisyon para sa pagpapautang na mababa ang interes
· Tulong na teknikal
· Patubig at ibang pasilidad sa agrikultura
· Abonong organiko at kemikal
· Mababang presyo ng kasangkapan sa sakahan, ‘feeder road’ at iba pa tulad nito

c. Pagpaplano ng Ekonomiya

Kailangan ang pagpaplano ng ekonomiya para makamit ang mabilis pero balanseng-balanseng pag-unlad mula sa atrasadong antas ng ekonomiya at teknolohiya ng malapyudal na ekonomiya.

Kailangan:
· Mabigat na industriya para mailatag ang pundasyon ng pambansang industriyalisasyon
· Balansyado ang pag-unlad ng mabigat na industriya, magaang industriya at agrikultura
· May planadong pang-ulad ng ekonomiya sa iba’t ibang rehiyon. Walang isang rehiyon ang dapat magpatuloy na magmonopolista ng kasaganaan sa pag-unlad ng industriya.
· Palitan ng oryentasyon ang pagkiling sa eksport sa pagpoproseso at pagsasapamilihan ng mga yaring produkto pangunahin sa bayan

d. Panlabas na Relasyon sa Ekonomiya

Ang natipong dayuhang utang ng Pilipinas ay naging malaking-malaki at dumating sa puntong hinding-hindi na mababayaran o hindi mababayaran kahit man lamang ang interes maliban kung uutang uli. Malamang na darating ang araw na ipawawalambisa ng baon sa utang na mga bayan sa Ikatlong Daigdig tulad ng Pilipinas ang kanilang dayuhang utang o hindi na lamang magbabayad ng interes.

Pwedeng ipagpatuloy ang kalakalang barter para maidispatsa ng Pilipinas ang hilaw na materyales nito na pang-eksport at kapalit nito’y mga produktong kapital at esensyal na mga produktong pangkonsumo.

Bago pa dumating ang panahon na mayroon nang demokratikong estadong bayan na matatag na nagpapatupad ng patakaran ng pambansang industriyalisasyon, ang mga sosyalistang bayan at relatibong abanteng bayan sa Ikatlong Daigdig ay makakapagtamo na ng mas mataas na antas ng pag-unlad at nasa pusisyon nang makakapagbigay ng mas maraming pautang na pangkalakal at pang-industiya ng Pilipinas.

Makibaka at 9:05 PM

maystar designsmaystar designsmaystar designs
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com