Ekonomiya at Pulitika ng Pilipinas

Chapter 6

VI. Ang Bagong Demokratikong Kilusan

Nagaganap ang bagong Demokratikong Rebolusyon ng mamamayang Pilipino. Pagpapatuloy ito ng lumang demokratikong rebolusyon ng 1896 para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya. Subalit ito ay bagong tipo ng pambansa-demokratikong rebolusyon dahil pinamumunuan ito ngayon ng uring manggagawa, at isinasagawa ito sa isang bayang malakolonyal at malapyudal sa panahon ng modernong imperyalismo at pandaigdigang rebolusyong proletaryo-sosyalista.

Ang lumang tipo ng demokratikong rebolusyon ay pinamunuan ng burgesyang liberal at pinatnubayan ng teoryang burges-liberal na nagtagumpay ang rebolusyong iyon laban sa kolonyalismong Espanyol. Pero ang baya’y sinakop ng imperyalismong US, isang bagong tipo ng kapangyarihang kolonyal, at ang nangyayari’y hindi ito naunawaan ng burges-liberal na liderato ng rebolusyon.

Ang Bagong Demokratikong Programa

Sa bagong demokratikong programa, hindi lamang ang pagpapalaya sa uring manggagawa ang hinahangad kundi pati na ang pagpapalaya sa buong sambayanang Pilipino sa pang-aapi’t pagsasamantala ng imperyalismong US at ng lokal na mga naghaharing uri ng malaking burgesyang komprador at panginoong maylupa.

Sa bagong demokratikong programa, malawak na sinasaklaw ang mga larangang tulad ng pulitika, ekonomiya, kultura at ugnayang internasyunal. Sa pulitika, ang pangunahing iginigiit ay pambansang soberanya at malayang pagtamasa ng kalayaang sibil; sa ekonomiya, ang pag-unlad sa pamamagitan ng pambansang industriyalisasyon at reporma sa lupa; sa kultura, ang pambansa, syentipiko at pangmsamng kultura, at sa ugnayang internasyunal, ang nagsasariling patakarang panlabas.

Ang demokratikong estado ng bayan ang:

1. Papalit sa estadong neokolonyal at ganap na magpapatupad ng bagong demokratikong programa
2. Hihinto ng imperyalismong US at ng lokal na naghaharing uri ang pang-aapi’t pagsasamantala sa mamamayan, laluna sa masang anakpawis na manggagawa’t magsasaka
3. Bubuo ng konstitusyon.
4. Tunay na kumakatawan sa iba’t ibang pwersang makabayan at progresibo.
5. Estado kung saan ang mamamayan ay nagtatamasa ng kalayaang sibil at naghahalal ng kanilng mga lider.

Ang pagwasak ng neokolonyal na estado ay hindi lamang dahil sa paglakas at pagsulong ng mapanlipol na pwersa ng bagong demokratikong rebolusyon kundi dahil din sa paglansag-sa-sarili ng naghaharing sistema sa pamamagitan ng lumalalang mararahas na kontradiksyon ng mga paksyon sa loob ng naghaharing uri.

Ang Digmaang Bayan

Ang Partido ng Komunista ng Pilipinas ay muling itinatag noong Disyembre 26, 1968 sa teoretokal na pundasyon ng Marxismo. Dalawa ang sandata nito: ang armadong pakikibaka at nagkakaisang prente.

Mula umpisa, determinado ang PKP na maglunsad ng armadong pakikibaka, ng rebolusyong agraryo at pagtatatag ng baseng masa bilang mga integral na sangkap ng estratehiyang matagalang digmaang bayan – kubkubin ang mga lunsod mula kanayunana at sa huli’y umabante sa mga lunsod.

Saanman pumunta ang BHB, sila’y minamahal nang husto at masiglang sinusuportahan ng masang magsasaka dahil:
--> nakapagpatupad sila ng pagpapababa ng upa sa lupa;
--> nakapagtaboy ng mga mangangamkam ng lupa;
--> nakapagparusa ng mga despotikong panginoong maylupa at masasamang elemento;
--> nakapagpawi ng usura;
--> nakapagsaayos ng makatarungnag pasahod sa bukid at presyo ng mga produkto sa bukid;
--> nakatulong sa pagpapalaki ng produksyon pang-agrikultura

Ang PKB, BHB at NDF ay nagtayo na ng demokratikong gubyernong bayan sa kanayunan. Ang relatibong pinakamatatag na mga organo ng demokratikong kapngyarihan ay ag mga rebolusyonaryong komite sa baryo na may mga komiteng sumusuporta sa pag-oorganisa pagbibigay ng edukasyon, pagdedepensa, reporma sa lupa, pinansya, kabuhayan, kalusugan, arbitrasyon, usaping pangkultura at iba pa. ang mga atrasadong baryo ay pinauunlad para maging abanteng balwarte sa pulitika, ekonomiya ng bagong demokratikong rebolusyon.

Ang Ligal na Pakikibaka

Sumulong ang ligal na pakikibaka ng bagong demokratikong kilusan dahil sa mapaniil na rhimen, kahit pa sa unang dalawang taon ng paghahari ng batas militar nito, parang matagumpay na nasiil ang kilusan.

Noon lmang Marso 15, 1961 naidaos ang unang aksyong masang anti-imperyalista at para kalayaang sibil. Pagkatapos nito, ang mga demostrasyon na bawat isa’y lampas sa 10 libo ang kalaok at nilahukan ns asosasyon ng mga magsasaka at iba pang partido. Nawasak ang parang hindi malabanang impluwensya ng pasistang diktadura sa mga lunsod nang sumiklab sa La Tondena ang kilusang welga ng mga manggagawa, maralitang tagalunsod at estudyante at lumahok sila sa mga demonstrasyon na sumuway sa pasistang diktadura.

Ang lapastangang asasinasyon kay Benigno Aquino, Jr. ang nagpasiklab sa napakalaking kilusang masa mula noong 1983 hanggng 1986, hanggang sa pag-aalsang bayan noong Pebrero 22-25, 1986 na nagbigay-wakas sa pasistang diktadurang Marcos na sinuhayan ng US. Itinulak ng kahiya-hiyang pandaraya sa eleksyon at terorismo sa “snap election” noong 1986 ang pagtitipon ng lahat ng pwersa sa kaliwa ni Marcos para pagkaisahan at ibagsak siya.
Mula 1980 hanggang sa pagbagsak ni Marcos, ang krisis pang-ekonomiya at pampulitika ng naghaharing sistema ay nagresulta sa malalang diskuntento at kaguluhan sa lipunan. Kahit naibagsak na si Marcos, nagpapatuloy ang krisis ng naghaharing sistema at nagpapatuloy ang demokratikong pakikibaka ng bayan para lubusin ang paglalansag sa mga istruktura ng pasistang diktadura at magpursigi sa linyang anti-imperyalista at antipyudal


Makibaka at 9:18 PM

maystar designsmaystar designsmaystar designs
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com