Ekonomiya at Pulitika ng Pilipinas

Chapter 4

IV. Krisis ng Kulturang Pilipino (1946 hanggang kasalukuyan)
Ang kultura ay repleksyon ng ekonomya at pulitika. Ang imperyalismong US at Simbahang Katoliko Romano ang dalawang nangingibabaw na pwersa sa kultura ng Pilipinas. Ang imperyalismong US ang mas nangingibabaw na pwersa. Sa malakolonyal at malapyudal na kultura ng Pilipinas, ang mga pwersang ito ang nagdadala ng nangingibabaw na mga ideya at kumokontrol sa nangingibabaw na makinarya sa kultura. Itinayo at pinalawak ng US ang pampublikong sistema ng edukasyon at itinatag ang University of the Philippines para maipropaganda ang modernong imperyalismo at makalikha ng mga manggagawang litereyt o marunong bumasa’t sumulat at mas maraming katutubong propesyunal at teknisyan kaysa mabibigyang trabaho ng sistemang kolonyal at pyudal. Ang masmidya ay isa pang larangan ng kultura na pinangingibabawan ng imperyalismong US at mga ahente nito sa kultura. Ang Simbahang Katoliko ay umangkop sa dominasyon ng US agad pagkasimula nito noong umpisa ng siglo. Ito ay ay naging malakas na pang-ideyolohiyang tagapagtanggol at tagabasbas ng malaking burgesyang komprador at uring panginoong maylupa. Ang pangkulturan impluwensya ng Simbahan ay malaganap sa hanay ng mamamayan sa pamamagitan ng gawaing pangkatekismo, mga ritwal, sermon, mga kampanyang panalangin, publikasyon at katutubong gawi na ginawang Kristyano o ang tinatawag na katutubong Kristyanidad. Tumutulong ang tradisyunal na mga pasilidad na Katoliko, ang mga eskwelahan, masmidya at modernong mga pasilidad sa mayor na disektaryong mga pasilidad sa pagpapalaganap ng maka-imperyalista at reaksyunaryong mga ideya at pagpapalitaw ng mga lalaki’t babaeng may magugulong pinapahalagahan na ideyalismong pyudal at suhetibismong burges.

Ginagampanan ng US ang pinakamabigat na papel sa pagsasalungat sa pambansang soberanya at kasarinlan ng mamamayang Pilipino, samanatala ang institusyunal na Simbahang Katoliko ay isang epektibong tauhan ng imperyalismong US sa pagbubunsod ng kolonyal na mentalidad at paninira sa anti-imperyalistang kilusan bilang komunistang pakana. Ginampanan nitio ang espesyal na papel na itapat ang mga sentimyentong panrelihiyon sa anti-imperyalistang kilusan tulad ng ginawa nito noong panahon ng kolonyal na paghahari ng Espanya laban sa anti-kolonyalistang kilusan.
Malaki ang naging pagpapahalaga sa rebolusyonaryong tradisyon at mga tagumpay ng bayan sa pambansang pamanang kultura, kaya’t lalong ipinagmalaki ng mga Pilipinong intelektwal ang kanilang sariling wikang pambansa at ginamit ito sa pagsuway sa sa matagal nang pangingibabaw ng Ingles. Noong 1970-72, sumigabo at yumabong ang bagong demokratikong rebolusyon sa kultura. Ang malalaking bilang ng nakapag-aral ay nag-umpisang magtanong, pumuna at tumanggi sa mga imperyalistang katangian ng kultura at edukasyong Amerikano. Napukaw sila ng krisis ng naghaharing sistema at nabigyan ng inspirasyon ng lumalaking kilusang masa. Dapat banggitin laluna ang Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970. Ang pagpapataw ng pasistang diktadura noong 1972 ay desperadong tugon ng US at mga lokal na reaksyunaryo sa tumitinding kilusang anti-imperyalist. Tulad ng lahat ng iba pang rebolusyonaryong pwersa, ang mga pwersa ng rebolusyong pangkultura ay patuloy na dumami sa kilusang lihim sa kalunsuran at sa sonang gerilya.

Manipestasyon ng krisis sa sistemang pangkultura na maka-imperyalista at reaksyunaryo ang pagtalikod ng mga nakapag-aral sa antinasyunal na pangkulturang kontrol at impluwensya ng imperyalismong US, gayundin, sa loob ng Simbahang Katoliko, ang pagdami ng mga progresibong relihiyoso na may makabayang paninindigan. Ang malaking bitak sa nangingibabaw na pwersang pang-kultura ay tiyak na lalawak at sasamantalahin ng mga pwersa ng bagong demokratikong rebolusyon sa kultura.

Madali ang mapahanga ng mga syentipiko at teknolohikal na pagsulong ng US at mapaniwala na makakatulong ang US sa syentipiko at teknolohikal na pagsulong ng Pilipinas. Gayunman, kung isasaalang-alang natin sa sinasalungat ng US ang pambansang industriyalisasyon ng Pilipinas, at gusto nitong mapanatiling agraryo ang ating bayan at maghangad ng hindi hihigit sa ilang empresang ginagamitan ng maraming lakas-paggaw, hindi maasahan ang US na maging balon ng syentipiko’t teknolohikal na pagsulong para sa bayan habang nananatiling malakolonyal at malapyudal ang katangian nito.


Makibaka at 4:00 PM

maystar designsmaystar designsmaystar designs
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com