Ekonomiya at Pulitika ng Pilipinas

Chapter 3


III. Krisis ng Estadong Neokolonyal
Ang Estadong Neokolonyal o ang di-direktang kolonyal na paghahari ang pinakamataas at pinakamalaking pampulitika’t panlipunang organisasyon sa bayan. Ngunit isa lamang ilusyon ang ipinapalagay na ang estado’y hindi nakabatay sa mga uri at para sa pambansang interes at kapakanan ng lahat. Dahil sa katunayan, ito’y mapampwersang instrumento ng mga nagsasamantalang uri laban sa pinagsasamantalahan, at isang estadong malakolonyal, ito’y instrumento ng kapangyarihang imperyalista.

Patuloy na nilalabag ng mga base militar ng US ang pambansang soberanya at panteritoryong integridad ng Pilipinas; mapampwersang iniimpluwensyahan ang bawat rehimeng papet sa bayan—ang AFP bilang pinakamaaasahang papet na organisasyon ng US; pinahihirapan nang husto ang mamamayan; itinatali ang bayan sa mga imperyalistang pakana ng US sa Asya at ibang lugar; at binabantaan ang mamamayan na malilipol sila sa sandaling magkaroon ng gerang nukleyar.

Ang neokolonyal na estado ng Pilipinas ay magkasamang makauring diktadura ng malaking burgesyang komprador at uring panginoong maylupa. Hanggat ang estadong ito’y sumusunod sa mga kahingian ng US, ginagamit ng mga nagsasamantalang uri ang estadong ito para maprotektahan at maitaguyod ang kanilang interes sa moda ng produksyon at super-istraktura ng malakolonyal at malapyudal na lipunan. At sa isang krisis na may pangkalahatang katangian, mas lalong nalalantad ang mapamwersang makauring katangian ng estado.
Sa alinmang mapagsamantalang lipunan, ang estado ay hindi lamang pangkalahatang nagpoprotekta sa mga uring nagsasamantala kundi isang partikular na madaling paraan ng nangingibabaw na pangkatin o pakson ng mga nagsasamantala para makinabang sa ekonomya at buong lipunan sa kapinsalaan ng iba pang pakson at buong mamamayan. Ang krisis sa ekonomya ang nagiging dahilan ng malaganap na ligalig sa lipunan at paglaki ng armadong rebolusyonaryong kilusan. Ang mga presyur ng armadong rebolusyon ang bumibitak sa estadong neokolonyal at nag-uudyok sa mga paksyon ng mga naghaharing uri na maglunsad ng matinding paglalabanan.

Mahalagang tandaan na nang maging presidente si Marcos noong 1966, itinalaga niya ang kaniyang sarili na kalihim ng pambansang depensa at sinimulan niyang hawakan ng mahigpit ang AFP sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabor, promosyon at paglalagay sa kumand ng kanyang mga kamag-anak, kaibigan at kasamahan mula sa kanyang rehiyon. Nang ibigay niya sa taong karehiyon niya ang pusisyon ng kalihim ng pambansang depensa, tumagos sa buong AFP ang sistema ng personal na katapatan sa kanya.
Ang mga awtokratikong ambisyon ni Marcos at kasakiman ng kanyang pangkating burukratang kapitalista ya umayon sa pakana ng US na patatagin ang neokolonyal na estadong Pilipino sa harap ng pagkatalo ng US sa gerang agresyon nito sa Indonesia at papalalang pampulitika at pang-ekonomyang krisis ng naghaharing sistema. Ang ganap na paglitaw ng pasistang rehimeng diktatura ng pangkating US-Marcos sa pamamagitan ng pagdedeklara ng batas militar at kudeta laban sa republikanong neokolonyal noong Setyembre 21,1972 ay walang dudang nagpapakita na naghihingalo ang malakolonyal at malapyudal na sistema at hindi na makapaghari sa dating paraan ang mga naghaharing uring malaking komprador at panginoong maylupa. Inalis ang burges-demokratikong gayak ng pinagsamang makauring diktadura ng malalaking komprador at panginoong maylupa.
Ang lantarang paghahari ng pananakot ng pasistang awtokrasya ay marahas na ipinataw ng naghaharing pangkating malaking komprador-panginoong maylupa sa mamamayan. Sa lahat ng pang-aabusong ginawa ni Marcos sa kaniyang termino na siyang sinulsulan naman ng US, napinsala nang husto ang naghaharing sistema. Ang pampulitika’t pang-ekonomiyang krisis ng naghaharing sistema ay mas lumalala, mas mahirap na pagaanin at mas nakakamatay. Ang mga kontradiksyon sa hanay ng mga reaksyunaryo ay tiyak na magiging mas marahas at maglalansag sa sistema. Ang rebolusyonaryong kilusan ay lumakas na at patuloy na susulong. Walang paraan para makaahon sa paglala ng agraryo at malapyudal na ekonomya at sa patibong ng dayuhang pautang kundi sa pamamagitan ng panlipunang rebolusyon.

May ilusyon sa hanay ng mga reaksyunaryo na ang pangingibabaw ng rehimeng Aquino ay nakapigil sa paglaki ng rebolusyonaryong kilusan. Ang napapalabo ay ang pangyayaring inako ng rehimeng Aquino ang bigat ng responsibilidad na makaagapay sa mga grabeng problemang iniwan ni Marcos, at sa palala nang palalang krisis sa pulitika’t ekonomya ng naghaharing sistema na dulot ng dominasyong dayuhan at pyudal. Hanggat nananatili sa saklaw ng dominasyong dayuhan at pyudal, ang rehimeng Aquino ay walang kakayahang lumutas ng krisis sa ekonomya. Antipasista ang kalikad ng lakas ng bayan na nagbagsak kay Marcos at naglagay kay Aquino sa pagiging presidente. Para makapanatili sa kapangyarihan, ang rehimeng Aquino’y kailangang makasunod sa pag-unlad ng lakas ng bayan na komprehensibong anti-imperyalista, antipyudal at antipasista, at sa ayaw at sa gusto ng rehimeng Aquino, kailangang umugnay ito sa lakas ng bayan na patuloy na umuunlad.

Sa kabila ng pagbabagu-bago mula sa walang kahihiyang tiranyang pasista tungo sa isang reaksyunaryong rehimen na may liberal-demokratikong tendensya, ang naghaharing sistema ay patuloy na humihina at nalalansag at patuloy na itinatayo at pinauunlad ng rebolusyonaryong kilusan ang demokratikong kapangyarihan ng mamamayan.

Makibaka at 5:59 PM

maystar designsmaystar designsmaystar designs
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com