Ekonomiya at Pulitika ng Pilipinas

Mula sa Mga Awtor

Kami ay mga magaaral mula sa Unibersidad ng Pilipinas na naatasan, para sa aming pangkalahatang gawain sa aming Philippine Institutions 100 (PI100), na gumawa ng isang kumprehensibong analisis ng aklat ni Jose Ma. Sison na Ekonomiya at Pulitika ng Pilipinas.

Ang website na ito ay hindi opisyal na website ng awtor o ng publikasyon na gumawa ng nasabing aklat.

Makibaka at 6:13 AM

(1) comments

Ang Mga May Akda

(Mula sa aklat na Ekonomiya at Pulitika ng Pilipinas)
Si Jose Ma. Sison ay batikang propesor ng syensyang pampulitika at syensyang panlipunan. Siya ang tagapagtatag na tagapangulo ng Kabataang Makabayan (1964) at ng muling-tatag na Partido Komunista ng Pilipinas (1968). Kasalukuyan siyang Punong Pulitikal na Konsultant ng Pambansang Nagkakaisang Prente ng Pilipinas (NDFP), Pangkalahatang Konsultant ng International League of Peoples' Struggle (ILPS) at Tagapangulo ng International Network for Philippine Studies (INPS). Si Prop. Sison ang may akda ng Makibaka para sa Pambansang Demokrasya, Rebolusyong Pilipino: Tanaw mula sa Loob (Kasama si Rainer Werning), at Prison and Beyond.
Si Julieta de Lima ang isa sa pinakaunang myembro ng Kabataang Makabayan at tagapagtatag na myembro ng muling tatag na Partido Komunista ng Pilipinas. Kasalukuyan siyang Tagapangulo ng Reciprocal Working Committee on Social and Economic Reforms ng NDFP Negotiating Panel.
Sa paglipas ng mga taon, matatag silang nagpapanatili ng walang paguurung-sulong ng komitment at paglilingkod sa pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa pagpapalayang pambansa at panlipunan.

Makibaka at 4:50 AM

(0) comments

Pamumuhay sa Netherlands

Taong 1988, muling namuhay si Jose Ma. Sison kasama ang kanyang kabiyak sa bansang Netherlands. Sa 16 taong inilagi niya sa labas ng bansa, patuloy siyang mulat sa mga pangyayari sa loob ng Pilipinas sa pamamagitan ng me dia at patuloy rin ang kanyang pagbatikos sa pamamagitan ng kanyang mga sinulat kabilang na ang mga tula. Kahit gustuhin mang umuwi sa sariling bansa, siya ay pinipigil ng takot sa mga taong nagtatangka sa kanyang buhay.
Napatapon siya ng Pamahalaang Aquino noong Setyembre 14, 1988 habang nasa bansang Europa. Ayon sa manunulat mahalagang ibahagi sa ibang bansa ang tungkol sa rebolusyong naganap sa bansa at ang paghingi ng tulong mula sa mga karatig bansa. Bilang lider ng rebolusyon pinakinggan siya ng mga tao at nakita nila ang importansya ng pangyayaring ito bilang parteng kasaysayan.
Nasundan pa ito ng sunud-sunod na press interviews, lectures, seminars, at iba’t ibang public meetings na ang layunin ay ibahagi ang mga polisiya at ideya ng national-democratic movement. Dahil ditto, siya ay naging chief political consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa isang negosasyong pangkapayapaan at naging general consultant ng International League of People’s Struggle (ILPS).
Sa kasalukuyan, patuloy ang mga partidong komunista sa pagbabantay sa kanilang dakilang pinuno. Hiniling din nila sa pamahalaang Arroyo na ibigay ang respeto at proteksyon na nararapat lang kay Sison. Sinasabing 50 partidong komunista at organisasyon ang nasa likod nito at patuloy nilang ibibigay ang kanilang suporta sa reseptadong pinuno.

Makibaka at 3:46 AM

(0) comments

Chapter 1

Ekonomiya at Politika ng Pilipinas

Ang kasaysayan ng Pilipinas, mula pa sa panahon ng mga Kastila, ay ang pangunahing nakahubog ng “political mindset” ng mga Pilipino. Dahil sa pagkakaroon ng mga rebolusyon at sari-saring pagbabagong napagdaanan at nalampasan ng politika ng Pilipinas, natuto ang mga Pilipinong ipahayag ang kanilang mga damdamin at nagging bukas din sila sa ideya ng pagbabago.

Simula pa nung panahon ng mga Kastila, ang mga Pilipino ay tinuring ng mga alipin, isang bansang mahina. Nang sumiklab ang unang rebolusyon, natatak sa isip ng mga Pilipino na ang pagbabago ay isang bagay na dapat ipaglaban. Mahigit 100 taon na ang nakalilipas, at nananatiling isang natatanging kaugalian na ng mga Pilipino ang labanan ang mga mang-aapi, kahit pa ang sarili nitong mga pinuno at gobyerno.

Sa makabagong panahon, ang nakasanayan nang pakikipaglaban ay nagiging sanhi rin ng labis na kaguluhan at kawalan respeto sa pamahalaan. Dahil nasanay na ang mga Pilipino na makapagpatalsik ng lumang sistema sa pamamagitan ng rebolusyon, ito na lamang ang natatanging solusyon na kanilang naiisip sa tuwing may kamaliang nagagawa ang gobyerno. Dahil din ditto, nawawalan na ng respeto ang tao sa batas, at nawawalan na ng saysay ang konstitusyong dapat sana ay makapagbibigay sana ng kaayusan sa anumang problemang maaaring kaharapin ng gobyerno.

Makibaka at 8:22 PM

(0) comments

Chapter 2

II. Krisis ng Malapyudal na Ekonomya
Ang monopolyong kapitalismong US ay nagkaroon ng malakas na impluwensya sa ekonomya ng Pilipinas kaya nahugis ito sa malapyudal na ekonomya at matatag na nailagay sa saklaw ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Ang sistemang kalakal ay nanaig sa likas na ekonomyang nakakasapat sa sarili. Pero ang katutubong pyudalismo ay ipinailalim lamang sa panlabas na kapangyarihang pang-industriya.

Pangunahing agraryo at di-industriyal ang mga pwersa ng produksyon at ang prinsipal na kasangkapan sa produksyon ay lupaing pang-agrikultura. Walang gaanong ginagamit na modernong teknolohiyang pansaka na lampas sa lakas ng magsasaka, mga kagamitang demano, araro at mga hayop na pantrabaho sa mga taniman. Ang bawat mga modernong kagamitan sa mga sektor ng ekonomya sa agrikultura, industriya at serbisyo ay imported, gayun din ang mga demanong kagamitan. Ang mayoridad ng mga tao sa produksyon ay binubuo ng mga magsasaka’t manggagawa sa bukid at minoridad naman ang mga manggagawang pang-industriya.
Ang malaking burgesyang komprador ang nangingibabaw na uri sa mga relasyon sa produksyon. Itinatakda nito ang malapyudal na katangian ng ekonomya. Bilang pangunahing ahente ng monopolyong kapitalismong US sa kalakalan at pinansya, naghahari ito sa sistemang kalakal at nagpapasya kung ano ang sistema ng produksyon at distribusyon. Ang uring panginoong maylupa ay nananatiling isang natatanging uri. Pumapangalawa ito ngayon sa malaking burgesyang komprador bilang mapagsamantalang uri, at sila’y mas higit na malaganap kaysa sa mga ito. Ang malalaking burukratang kapitalista ay malalaking komprador at malalaking panginoong maylupa na tumingkad na gayon sa pamamagitan ng paggamit sa kanilang kapangyarihan. Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang pinakatampok na halimbawa ng burukratang kapitalismo ay iyong sa bumagsak na rehimeng Marcos. Panggitnang burgesya naman ang mga pambansang negosyante na pangunahing nasa magaang pagmamanupaktura at nagmamay-ari ng kasangkapan sa produksyon. Hangad nilang isulong ang pambansang industriyalisasyon at magkaroon ng pangunahing pusisyon sa ekonomya, pero ginigipit sila ng mga dayuhang monopolyo, malaking komprador at malaking panginoong maylupa. Ang mga negosyanteng panggitnang burgesya ay direktang namamahala sa kanilang mga empresa sa produksyon. Kabilang naman sa petiburgesya ng lunsod ang mga propesyunal, teknisyan at iba pang intelihensya, gayundin ang maliit na mga negosyante at mangangalakal—sila ang pinakamalaking saray ng burgesya. Ang pinakamapagsamantalang mga uri at mga pambansang burgesya ang umuupa ng mga propesyunal at teknisyan para sa kanilang mga empresa. Samantala, ang proletaryo sa industriya ang pinakaprogresibong pwersa ng produksyon sa bayan ngayon. Nagbebenta sila ng kanilang lakas-paggawa sa mga may-ari ng kapital. Hangad nila ang pambansang industriyalisasyon para mapalaki ang kanilang bilang at lakas, at sa gayon, gustung-gustong makibaka sa dayuhan at pyudal na dominasyon. Ang uring magsasaka ang pinakamarami at pinakapinag-sasamantalahang uri sa malapyudal na ekonomya. Dumaranas sila ng pyudal at malapyudal na mga pangingikil at nakikibaka para sa reporma sa lupa.

Bilang kakabit ng monopolyong kapitalsimong US, ang agraryong malapyudal na ekonomya ng Pilipinas ay nahihirapan sa mga patakaran ng US sa kalakalan at pamumuhunan, na direktang idinidikta ng mga awtoridad ng US, multinasyonal na kumpanya at bangko sa mga awtoridad ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga ahensyang multilateral tulad ng IMF at World Bank. Pinagduduldulan ng US ang liberalisasyon ng import dahil gusto nitong ipatupad ang opensiba sa kalakalan para mabawasan ang napakalaking depisit nito sa kalakalan. Laging iniipit ng US ang malayang pagdaloy sa bayan ng direktang pamumuhunan ng dayuhan at sobra-sobrang pribilehiyo para sa mga ito. Laging sinisigurado ng US na kontrolado nito ang estratehikong mga linya ng negosyo, pero namumuhunan ito sa paraang hindi humahantong sa pundamental at komprehensibong industriyalisasyon ng bayan at sa balanseng ekonomya. Ang Pilipinas ay natambakan ng mga dayuhang pautang na hindi talaga kailanman mababayaran batay sa ekonomyang agraryo nito, at ang Pilipinas ay patuloy na malulubog sa utang. Dahil sa palalang-palalang sosyo-ekonomikong krisis, ang pambansang burgesya ay naliligalig ng peligrong mapawi ang kabuhayan sa pamamagitan ng liberalisasyon sa import at iba pang antinasyunal at anti-industriyal na mga patakaran, at may tendensyang mas matinding maggiit ng proteksyon. Ang petiburgesyang lunsod ay patuloy na dumaranas ng palalang paghihirap at kasalatan. Walang tigil na bumabaling sila sa direksyon ng rebolusyonaryong pulitika at nakikipagkapit-bisig sa masang anakpawis sa iisang pakikibaka. Ang mga manggagawa ay naghihimagsik sa laganap na kawalan ng trabaho, mababang sahod, at walang tigil na implasyon. Patuloy na ginagawa ng uring ito na paaralan ng rebolusyon ang kilusang unyon. Marami sa mga manggagawang walang trabaho ay tumigil na sa paghahanap ng tabaho at bumabaling sa direksyon ng panlipunang rebolusyon. Walang patutunguhan ang lahat ng mahalagang patakaran at landas ng pagkilos na isinasagawa sa saklaw ng malapyudal na ekonomya. Patungo sa rebolusyon sa lipunan ang mga kontradiksyong nasa loob ng moda ng produksyon.

Makibaka at 7:58 PM

(0) comments

Chapter 3


III. Krisis ng Estadong Neokolonyal
Ang Estadong Neokolonyal o ang di-direktang kolonyal na paghahari ang pinakamataas at pinakamalaking pampulitika’t panlipunang organisasyon sa bayan. Ngunit isa lamang ilusyon ang ipinapalagay na ang estado’y hindi nakabatay sa mga uri at para sa pambansang interes at kapakanan ng lahat. Dahil sa katunayan, ito’y mapampwersang instrumento ng mga nagsasamantalang uri laban sa pinagsasamantalahan, at isang estadong malakolonyal, ito’y instrumento ng kapangyarihang imperyalista.

Patuloy na nilalabag ng mga base militar ng US ang pambansang soberanya at panteritoryong integridad ng Pilipinas; mapampwersang iniimpluwensyahan ang bawat rehimeng papet sa bayan—ang AFP bilang pinakamaaasahang papet na organisasyon ng US; pinahihirapan nang husto ang mamamayan; itinatali ang bayan sa mga imperyalistang pakana ng US sa Asya at ibang lugar; at binabantaan ang mamamayan na malilipol sila sa sandaling magkaroon ng gerang nukleyar.

Ang neokolonyal na estado ng Pilipinas ay magkasamang makauring diktadura ng malaking burgesyang komprador at uring panginoong maylupa. Hanggat ang estadong ito’y sumusunod sa mga kahingian ng US, ginagamit ng mga nagsasamantalang uri ang estadong ito para maprotektahan at maitaguyod ang kanilang interes sa moda ng produksyon at super-istraktura ng malakolonyal at malapyudal na lipunan. At sa isang krisis na may pangkalahatang katangian, mas lalong nalalantad ang mapamwersang makauring katangian ng estado.
Sa alinmang mapagsamantalang lipunan, ang estado ay hindi lamang pangkalahatang nagpoprotekta sa mga uring nagsasamantala kundi isang partikular na madaling paraan ng nangingibabaw na pangkatin o pakson ng mga nagsasamantala para makinabang sa ekonomya at buong lipunan sa kapinsalaan ng iba pang pakson at buong mamamayan. Ang krisis sa ekonomya ang nagiging dahilan ng malaganap na ligalig sa lipunan at paglaki ng armadong rebolusyonaryong kilusan. Ang mga presyur ng armadong rebolusyon ang bumibitak sa estadong neokolonyal at nag-uudyok sa mga paksyon ng mga naghaharing uri na maglunsad ng matinding paglalabanan.

Mahalagang tandaan na nang maging presidente si Marcos noong 1966, itinalaga niya ang kaniyang sarili na kalihim ng pambansang depensa at sinimulan niyang hawakan ng mahigpit ang AFP sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabor, promosyon at paglalagay sa kumand ng kanyang mga kamag-anak, kaibigan at kasamahan mula sa kanyang rehiyon. Nang ibigay niya sa taong karehiyon niya ang pusisyon ng kalihim ng pambansang depensa, tumagos sa buong AFP ang sistema ng personal na katapatan sa kanya.
Ang mga awtokratikong ambisyon ni Marcos at kasakiman ng kanyang pangkating burukratang kapitalista ya umayon sa pakana ng US na patatagin ang neokolonyal na estadong Pilipino sa harap ng pagkatalo ng US sa gerang agresyon nito sa Indonesia at papalalang pampulitika at pang-ekonomyang krisis ng naghaharing sistema. Ang ganap na paglitaw ng pasistang rehimeng diktatura ng pangkating US-Marcos sa pamamagitan ng pagdedeklara ng batas militar at kudeta laban sa republikanong neokolonyal noong Setyembre 21,1972 ay walang dudang nagpapakita na naghihingalo ang malakolonyal at malapyudal na sistema at hindi na makapaghari sa dating paraan ang mga naghaharing uring malaking komprador at panginoong maylupa. Inalis ang burges-demokratikong gayak ng pinagsamang makauring diktadura ng malalaking komprador at panginoong maylupa.
Ang lantarang paghahari ng pananakot ng pasistang awtokrasya ay marahas na ipinataw ng naghaharing pangkating malaking komprador-panginoong maylupa sa mamamayan. Sa lahat ng pang-aabusong ginawa ni Marcos sa kaniyang termino na siyang sinulsulan naman ng US, napinsala nang husto ang naghaharing sistema. Ang pampulitika’t pang-ekonomiyang krisis ng naghaharing sistema ay mas lumalala, mas mahirap na pagaanin at mas nakakamatay. Ang mga kontradiksyon sa hanay ng mga reaksyunaryo ay tiyak na magiging mas marahas at maglalansag sa sistema. Ang rebolusyonaryong kilusan ay lumakas na at patuloy na susulong. Walang paraan para makaahon sa paglala ng agraryo at malapyudal na ekonomya at sa patibong ng dayuhang pautang kundi sa pamamagitan ng panlipunang rebolusyon.

May ilusyon sa hanay ng mga reaksyunaryo na ang pangingibabaw ng rehimeng Aquino ay nakapigil sa paglaki ng rebolusyonaryong kilusan. Ang napapalabo ay ang pangyayaring inako ng rehimeng Aquino ang bigat ng responsibilidad na makaagapay sa mga grabeng problemang iniwan ni Marcos, at sa palala nang palalang krisis sa pulitika’t ekonomya ng naghaharing sistema na dulot ng dominasyong dayuhan at pyudal. Hanggat nananatili sa saklaw ng dominasyong dayuhan at pyudal, ang rehimeng Aquino ay walang kakayahang lumutas ng krisis sa ekonomya. Antipasista ang kalikad ng lakas ng bayan na nagbagsak kay Marcos at naglagay kay Aquino sa pagiging presidente. Para makapanatili sa kapangyarihan, ang rehimeng Aquino’y kailangang makasunod sa pag-unlad ng lakas ng bayan na komprehensibong anti-imperyalista, antipyudal at antipasista, at sa ayaw at sa gusto ng rehimeng Aquino, kailangang umugnay ito sa lakas ng bayan na patuloy na umuunlad.

Sa kabila ng pagbabagu-bago mula sa walang kahihiyang tiranyang pasista tungo sa isang reaksyunaryong rehimen na may liberal-demokratikong tendensya, ang naghaharing sistema ay patuloy na humihina at nalalansag at patuloy na itinatayo at pinauunlad ng rebolusyonaryong kilusan ang demokratikong kapangyarihan ng mamamayan.

Makibaka at 5:59 PM

(0) comments

Chapter 4

IV. Krisis ng Kulturang Pilipino (1946 hanggang kasalukuyan)
Ang kultura ay repleksyon ng ekonomya at pulitika. Ang imperyalismong US at Simbahang Katoliko Romano ang dalawang nangingibabaw na pwersa sa kultura ng Pilipinas. Ang imperyalismong US ang mas nangingibabaw na pwersa. Sa malakolonyal at malapyudal na kultura ng Pilipinas, ang mga pwersang ito ang nagdadala ng nangingibabaw na mga ideya at kumokontrol sa nangingibabaw na makinarya sa kultura. Itinayo at pinalawak ng US ang pampublikong sistema ng edukasyon at itinatag ang University of the Philippines para maipropaganda ang modernong imperyalismo at makalikha ng mga manggagawang litereyt o marunong bumasa’t sumulat at mas maraming katutubong propesyunal at teknisyan kaysa mabibigyang trabaho ng sistemang kolonyal at pyudal. Ang masmidya ay isa pang larangan ng kultura na pinangingibabawan ng imperyalismong US at mga ahente nito sa kultura. Ang Simbahang Katoliko ay umangkop sa dominasyon ng US agad pagkasimula nito noong umpisa ng siglo. Ito ay ay naging malakas na pang-ideyolohiyang tagapagtanggol at tagabasbas ng malaking burgesyang komprador at uring panginoong maylupa. Ang pangkulturan impluwensya ng Simbahan ay malaganap sa hanay ng mamamayan sa pamamagitan ng gawaing pangkatekismo, mga ritwal, sermon, mga kampanyang panalangin, publikasyon at katutubong gawi na ginawang Kristyano o ang tinatawag na katutubong Kristyanidad. Tumutulong ang tradisyunal na mga pasilidad na Katoliko, ang mga eskwelahan, masmidya at modernong mga pasilidad sa mayor na disektaryong mga pasilidad sa pagpapalaganap ng maka-imperyalista at reaksyunaryong mga ideya at pagpapalitaw ng mga lalaki’t babaeng may magugulong pinapahalagahan na ideyalismong pyudal at suhetibismong burges.

Ginagampanan ng US ang pinakamabigat na papel sa pagsasalungat sa pambansang soberanya at kasarinlan ng mamamayang Pilipino, samanatala ang institusyunal na Simbahang Katoliko ay isang epektibong tauhan ng imperyalismong US sa pagbubunsod ng kolonyal na mentalidad at paninira sa anti-imperyalistang kilusan bilang komunistang pakana. Ginampanan nitio ang espesyal na papel na itapat ang mga sentimyentong panrelihiyon sa anti-imperyalistang kilusan tulad ng ginawa nito noong panahon ng kolonyal na paghahari ng Espanya laban sa anti-kolonyalistang kilusan.
Malaki ang naging pagpapahalaga sa rebolusyonaryong tradisyon at mga tagumpay ng bayan sa pambansang pamanang kultura, kaya’t lalong ipinagmalaki ng mga Pilipinong intelektwal ang kanilang sariling wikang pambansa at ginamit ito sa pagsuway sa sa matagal nang pangingibabaw ng Ingles. Noong 1970-72, sumigabo at yumabong ang bagong demokratikong rebolusyon sa kultura. Ang malalaking bilang ng nakapag-aral ay nag-umpisang magtanong, pumuna at tumanggi sa mga imperyalistang katangian ng kultura at edukasyong Amerikano. Napukaw sila ng krisis ng naghaharing sistema at nabigyan ng inspirasyon ng lumalaking kilusang masa. Dapat banggitin laluna ang Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970. Ang pagpapataw ng pasistang diktadura noong 1972 ay desperadong tugon ng US at mga lokal na reaksyunaryo sa tumitinding kilusang anti-imperyalist. Tulad ng lahat ng iba pang rebolusyonaryong pwersa, ang mga pwersa ng rebolusyong pangkultura ay patuloy na dumami sa kilusang lihim sa kalunsuran at sa sonang gerilya.

Manipestasyon ng krisis sa sistemang pangkultura na maka-imperyalista at reaksyunaryo ang pagtalikod ng mga nakapag-aral sa antinasyunal na pangkulturang kontrol at impluwensya ng imperyalismong US, gayundin, sa loob ng Simbahang Katoliko, ang pagdami ng mga progresibong relihiyoso na may makabayang paninindigan. Ang malaking bitak sa nangingibabaw na pwersang pang-kultura ay tiyak na lalawak at sasamantalahin ng mga pwersa ng bagong demokratikong rebolusyon sa kultura.

Madali ang mapahanga ng mga syentipiko at teknolohikal na pagsulong ng US at mapaniwala na makakatulong ang US sa syentipiko at teknolohikal na pagsulong ng Pilipinas. Gayunman, kung isasaalang-alang natin sa sinasalungat ng US ang pambansang industriyalisasyon ng Pilipinas, at gusto nitong mapanatiling agraryo ang ating bayan at maghangad ng hindi hihigit sa ilang empresang ginagamitan ng maraming lakas-paggaw, hindi maasahan ang US na maging balon ng syentipiko’t teknolohikal na pagsulong para sa bayan habang nananatiling malakolonyal at malapyudal ang katangian nito.


Makibaka at 4:00 PM

(0) comments

Chapter 5

V. Krisis sa Ugnayang Internasyunal

Ugnayang US-RP

Ang ugnaynag US-RP ang pinakaimportante sa ugnayang internasyunal ng Pilipinas. Ang pundasyon nito ay itinakda ng serye ng dipantay na mga tratado, kasunduan at batas. Isa itong espesyal na ugnayan, napakaespesyal kaya nangangahulugan ng kontrol ng US sa lokal at panlabas na mga patakaran ng Pilipinas.

Mga Kasunduang Nagpapakita ng Imperyalismo ng Estados Unidos:

US-RP Treaty of General Relations of 1946

Dito kinilala ang pananatili ang karapatan ng US na magmay-ari ng propyedad at mga base militar ng US at inobliga ang pagbabalangkas ng patakarang panlabas ng Pilipinas sa pagtangkilik ng patakarang panlabas ng US

Bell Trade Act of 1947

Dito ipinatanggal ang malayang kalakalan, itinakda ang pagpapailalim ng piso ng Pilipinas sa dolyar ng US. Kasama dito anf Parity Amendment kung saan pinahintulutan ang mga mamumuhunan ng US hanggang sa 100% pagmamay-ari sa mga korporasyong makikinabang ng husto sa likas na yaman ng Pilipinas at nagpapatakbo sa mga yutiliting pampubliko.

Laurel-Langley Agreement of 1954

Dito muling pinagtibay ang Parity Amendment at sinaklaw din nito ang lahat ng klase ng negosyo, pati ang pagmamay-ari at paggamit sa pribadong lupang pang-agrikultura. Dito rin hinikayat pa ang pag-eeksport ng hilaw na materyales at pag-iimport ng minanupakturang produkto mula sa US. Promal ring isinuko ng Pilipinas ang dolyar ng US ang ekonomiya sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa US, pamumuhunan ng US at pautang.

US-RP Military Bases Agreement of 1947

Idinitalye ang paglabag ng US sa soberenya at panteritoryong integridad ng Pilipinas dito dahil talagang pinapayagan na nga ang mga puwersang militar ng US na kontrolin ang buong bayan sa pamamagitan ng pagpupuwera sa mga ito sa hurisdiksyon ng Pilipinas kahit sa labas ng mga base at ng pagpapayag na mapalawak o mapalaki ang mga ito batay sa pagdidisisyon ng US.

US-RP Military Assistance Pact of 1947

Dito sinisigurado ang kontrol ng US sa Armed Forces of the Philippines.

Economic and Technical Cooperation Agreement of 1951

Dito pinapayagan ang US na maglagay ng mga pang-ekonomiya’t teknikal na tagapagpayo sa bawat estratehikong sangay ng gubyerno ng Pilipinas. Ang mga tagapagpayong ito anf namamahala at umiimpluwensya sa pulitika at nagsisigurado na ang “ayuda” ay nagreresulta sa mabilis na pagkakaroon ng ganansya ng mga kumpanya ng US sa mga dayuhang pautang.

US Mutual Defense Pact of 1951

Dito pinapayagan ang US na gumamit ng mga tropang agresor para manghimasok sa panloob na usapin ng Pilipinas.

Agricultural Trade Development and Assistance Act or US Public Law no. 480

Dito naididisatsa ng US ang sarplas na produktong agrikultural nito sa pamamagitan ng pagtatambak ng mga ito sa Pilipinas. Ginagamit ito para manipulahin ang lokal na produksyong agrikultural.

Ang krisis na ito sa ugnayang US-RP gayundin sa buong ugnayang panlabas ng Pilipinas ay nagmumula sa mga kontradiksyon sa lipunang Pilipino na pinaghaharian ng US.

Naipataw ng US ang dipantay na mga tratado at kasunduan bilang patakarang panlabas nito dahil iniharap ng US ang sarili bilang tagapaglaya ng bayan sa pananakop ng mga Hapones at tagapagbigay ng kasarinlan ng Pilipinas.

Ang Papalalang Krisis sa Ugnayang Panlabas ng Pilipinas


Ang gubyerno ay determinadong pumayag sa mga dikta ng IMF, World Bank, Asian Development Bank, pribadong dayuhang nagpapautang at mga kumpanya ng US at iba pang multinasyunal. Ang gubyernong ito’y sabik na makaakit ng mga kumpanyang multinasyunal, makatanggap ng bilateral na ayuda ng US na nakatali sa mga espesyal na pribilehiyo para sa mga kumpanya ng US, akapamalimos ng mas mainam na kondisyon para sa natipong dayuhang utang at mas malalim na ilubog ang bayan sa pagkakautang sa dayuhan.

Ang layunin ng patakaran ay tuunan ang agrikultura at iwasan ang industriyalisasyon, ipatupad ang liberalisasyon ng mga import, ipako ang mga sahod, palawakin ang lokal na basehang buwis at iba pa.

Hindi makakaganap ang gubyernong Pilipinas ng kapuri-puring papel sa pakikibaka ng Ikatlong Daigdig para sa bagong internasyunal na kaayusan sa ekonomiya at para sa kalayaan, katarungan, kaunlaran at kapayapaan hanggat patuloy na niyuyurakan ng imperyalismomg US at lokal na mga reaksyunaryong uri ang sambayanang Pilipino at patuloy na itinatakda ng mga ito ang patakarang panlabas ng Pilipinas.

Makibaka at 9:20 PM

(0) comments

Chapter 6

VI. Ang Bagong Demokratikong Kilusan

Nagaganap ang bagong Demokratikong Rebolusyon ng mamamayang Pilipino. Pagpapatuloy ito ng lumang demokratikong rebolusyon ng 1896 para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya. Subalit ito ay bagong tipo ng pambansa-demokratikong rebolusyon dahil pinamumunuan ito ngayon ng uring manggagawa, at isinasagawa ito sa isang bayang malakolonyal at malapyudal sa panahon ng modernong imperyalismo at pandaigdigang rebolusyong proletaryo-sosyalista.

Ang lumang tipo ng demokratikong rebolusyon ay pinamunuan ng burgesyang liberal at pinatnubayan ng teoryang burges-liberal na nagtagumpay ang rebolusyong iyon laban sa kolonyalismong Espanyol. Pero ang baya’y sinakop ng imperyalismong US, isang bagong tipo ng kapangyarihang kolonyal, at ang nangyayari’y hindi ito naunawaan ng burges-liberal na liderato ng rebolusyon.

Ang Bagong Demokratikong Programa

Sa bagong demokratikong programa, hindi lamang ang pagpapalaya sa uring manggagawa ang hinahangad kundi pati na ang pagpapalaya sa buong sambayanang Pilipino sa pang-aapi’t pagsasamantala ng imperyalismong US at ng lokal na mga naghaharing uri ng malaking burgesyang komprador at panginoong maylupa.

Sa bagong demokratikong programa, malawak na sinasaklaw ang mga larangang tulad ng pulitika, ekonomiya, kultura at ugnayang internasyunal. Sa pulitika, ang pangunahing iginigiit ay pambansang soberanya at malayang pagtamasa ng kalayaang sibil; sa ekonomiya, ang pag-unlad sa pamamagitan ng pambansang industriyalisasyon at reporma sa lupa; sa kultura, ang pambansa, syentipiko at pangmsamng kultura, at sa ugnayang internasyunal, ang nagsasariling patakarang panlabas.

Ang demokratikong estado ng bayan ang:

1. Papalit sa estadong neokolonyal at ganap na magpapatupad ng bagong demokratikong programa
2. Hihinto ng imperyalismong US at ng lokal na naghaharing uri ang pang-aapi’t pagsasamantala sa mamamayan, laluna sa masang anakpawis na manggagawa’t magsasaka
3. Bubuo ng konstitusyon.
4. Tunay na kumakatawan sa iba’t ibang pwersang makabayan at progresibo.
5. Estado kung saan ang mamamayan ay nagtatamasa ng kalayaang sibil at naghahalal ng kanilng mga lider.

Ang pagwasak ng neokolonyal na estado ay hindi lamang dahil sa paglakas at pagsulong ng mapanlipol na pwersa ng bagong demokratikong rebolusyon kundi dahil din sa paglansag-sa-sarili ng naghaharing sistema sa pamamagitan ng lumalalang mararahas na kontradiksyon ng mga paksyon sa loob ng naghaharing uri.

Ang Digmaang Bayan

Ang Partido ng Komunista ng Pilipinas ay muling itinatag noong Disyembre 26, 1968 sa teoretokal na pundasyon ng Marxismo. Dalawa ang sandata nito: ang armadong pakikibaka at nagkakaisang prente.

Mula umpisa, determinado ang PKP na maglunsad ng armadong pakikibaka, ng rebolusyong agraryo at pagtatatag ng baseng masa bilang mga integral na sangkap ng estratehiyang matagalang digmaang bayan – kubkubin ang mga lunsod mula kanayunana at sa huli’y umabante sa mga lunsod.

Saanman pumunta ang BHB, sila’y minamahal nang husto at masiglang sinusuportahan ng masang magsasaka dahil:
--> nakapagpatupad sila ng pagpapababa ng upa sa lupa;
--> nakapagtaboy ng mga mangangamkam ng lupa;
--> nakapagparusa ng mga despotikong panginoong maylupa at masasamang elemento;
--> nakapagpawi ng usura;
--> nakapagsaayos ng makatarungnag pasahod sa bukid at presyo ng mga produkto sa bukid;
--> nakatulong sa pagpapalaki ng produksyon pang-agrikultura

Ang PKB, BHB at NDF ay nagtayo na ng demokratikong gubyernong bayan sa kanayunan. Ang relatibong pinakamatatag na mga organo ng demokratikong kapngyarihan ay ag mga rebolusyonaryong komite sa baryo na may mga komiteng sumusuporta sa pag-oorganisa pagbibigay ng edukasyon, pagdedepensa, reporma sa lupa, pinansya, kabuhayan, kalusugan, arbitrasyon, usaping pangkultura at iba pa. ang mga atrasadong baryo ay pinauunlad para maging abanteng balwarte sa pulitika, ekonomiya ng bagong demokratikong rebolusyon.

Ang Ligal na Pakikibaka

Sumulong ang ligal na pakikibaka ng bagong demokratikong kilusan dahil sa mapaniil na rhimen, kahit pa sa unang dalawang taon ng paghahari ng batas militar nito, parang matagumpay na nasiil ang kilusan.

Noon lmang Marso 15, 1961 naidaos ang unang aksyong masang anti-imperyalista at para kalayaang sibil. Pagkatapos nito, ang mga demostrasyon na bawat isa’y lampas sa 10 libo ang kalaok at nilahukan ns asosasyon ng mga magsasaka at iba pang partido. Nawasak ang parang hindi malabanang impluwensya ng pasistang diktadura sa mga lunsod nang sumiklab sa La Tondena ang kilusang welga ng mga manggagawa, maralitang tagalunsod at estudyante at lumahok sila sa mga demonstrasyon na sumuway sa pasistang diktadura.

Ang lapastangang asasinasyon kay Benigno Aquino, Jr. ang nagpasiklab sa napakalaking kilusang masa mula noong 1983 hanggng 1986, hanggang sa pag-aalsang bayan noong Pebrero 22-25, 1986 na nagbigay-wakas sa pasistang diktadurang Marcos na sinuhayan ng US. Itinulak ng kahiya-hiyang pandaraya sa eleksyon at terorismo sa “snap election” noong 1986 ang pagtitipon ng lahat ng pwersa sa kaliwa ni Marcos para pagkaisahan at ibagsak siya.
Mula 1980 hanggang sa pagbagsak ni Marcos, ang krisis pang-ekonomiya at pampulitika ng naghaharing sistema ay nagresulta sa malalang diskuntento at kaguluhan sa lipunan. Kahit naibagsak na si Marcos, nagpapatuloy ang krisis ng naghaharing sistema at nagpapatuloy ang demokratikong pakikibaka ng bayan para lubusin ang paglalansag sa mga istruktura ng pasistang diktadura at magpursigi sa linyang anti-imperyalista at antipyudal


Makibaka at 9:18 PM

(0) comments

Chapter 7

VII. Pag-unlad ng Ekonomiya

Ang planado at balanseng pag-unlad ng industriya at agrikultura na pambansang industriyalisasyon ang pangunahing salik, at agrikulturang nakikinabang sa tunay na reporma sa lupa ang batayan ng pag-unlad ng ekonomiya.

Ang Pilipinas ay mayroong:
· mabilis na lumalaking lakas-paggawa
· komprehensibo’t mayamang base ng likas na yamang tulad ng matabang lupa, kagubatan, karagatan at halos lahat ng mineral na esensyal sa industriyalisasyon

Sa tulong ng mga ito, ang modernong ekonomiyang pang-industriya ay maitatatag. Ngunit imposible ang pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas kung hindi igigiit at gagmitin ang soberanong kapasyahan ng mamamayang Pilipino, laban sa US at lokal na uring nagsasamantala.

Ang patakaran sa ekonomiya ay hindi na dapat idinidikta ng mga ahensya ng US, mga kumpanya’t bangkong transnasyunal o sa pamamagitan ng gayong multilateral na mga ahensyang kontrolado ng US tulad ng IMF at World Bank kundi dapat dinidisisyunan ng mamamayang Pilipino mismo sa pamamagitan kanilang mga makabayang lider at mga gumagawa ng patakaran at nagpaplano ng ekonomya.

Ang pagsasabansa ng ekonomiya ang pinakapaborableng kondisyon sa pag-unlad ng ekonomiya. Ito ay masasagawa sa apat na pangunahing paraan:

a. Pambansang Industriyalisasyon

Ang pambansang industriyalisasyon ang pangunahing magpapaandar sa tunay na pag-unlad ng ekonomiya. Kung walang pambansang industriyalisasyon, hindi makakaahon sa pagkabalahong agraryo at hindi masasalo ang papalaking sobrang laka-paggawa.

Mga dapat gawin:
· Dapat palawakin ang produksyon ng hilaw na materyales pangunahin para sa lokal na pagpoproseso sa bayan.
· Dapat komprehensibong isagawa sa bayan ang una, ikalawa, at ikatlong yugto ng produksyong industriyal.
· Kailangan ang mabibigat na industriya. Pero dapat iwasan ang sobrang konsentrasyon ng puhunan sa mabibigat na industriya. Dapat mabilis na palawakin hanggang posible ang magaang industriya o pagmamanupaktura para sa kagyat ng pangkonsumo ng mga tao. Pinaghuhugpong nito ang mabibigat na industriya at ang agrikultura.
· Dapat mangutang para sa industriyalisasyon. Ang mga agong plantang industriyal ay pwedeng bayaran nang hulugan na ang kabayara’y isang bahagi ng taunang produkto o kita.
· Lahat ng Pilipinong may kasanayang pangmanidyer, kasanayang syentipiko at kasanayang teknikal ay dapat hikayating lumahok sa pambansang industralisasyon.

b. Tunay na Reporma sa Lupa

Ang susing hakbang sa tunay na reporma sa lupa ay ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasakang walang lupa, pati na sa maralita at nakakababang-panggitnang magsasaka. May sapat na lupang maipapamahagi kaya’t makakaasa-sa-sarili ang bawat kabahayang magsasaka.

Pwedeng ipamahagi sa magsasakang walang lupa ang lupang:
· Iligal na nakuha
· Inilit ng mga bangko ng estado
· Nakatiwangwang o sobrang bahagi ng lupang para sa pananim o eksport
· Publiko na kunwari’y inuupahang maging pastulan, taniman ng puno, atbp.
· Pinagtrotrosohan na angkop sa agrikultura

Integral sa programa sa pamamahagi ng lupa ang pagkakaroon ng:
· Mga probisyon para sa pagpapautang na mababa ang interes
· Tulong na teknikal
· Patubig at ibang pasilidad sa agrikultura
· Abonong organiko at kemikal
· Mababang presyo ng kasangkapan sa sakahan, ‘feeder road’ at iba pa tulad nito

c. Pagpaplano ng Ekonomiya

Kailangan ang pagpaplano ng ekonomiya para makamit ang mabilis pero balanseng-balanseng pag-unlad mula sa atrasadong antas ng ekonomiya at teknolohiya ng malapyudal na ekonomiya.

Kailangan:
· Mabigat na industriya para mailatag ang pundasyon ng pambansang industriyalisasyon
· Balansyado ang pag-unlad ng mabigat na industriya, magaang industriya at agrikultura
· May planadong pang-ulad ng ekonomiya sa iba’t ibang rehiyon. Walang isang rehiyon ang dapat magpatuloy na magmonopolista ng kasaganaan sa pag-unlad ng industriya.
· Palitan ng oryentasyon ang pagkiling sa eksport sa pagpoproseso at pagsasapamilihan ng mga yaring produkto pangunahin sa bayan

d. Panlabas na Relasyon sa Ekonomiya

Ang natipong dayuhang utang ng Pilipinas ay naging malaking-malaki at dumating sa puntong hinding-hindi na mababayaran o hindi mababayaran kahit man lamang ang interes maliban kung uutang uli. Malamang na darating ang araw na ipawawalambisa ng baon sa utang na mga bayan sa Ikatlong Daigdig tulad ng Pilipinas ang kanilang dayuhang utang o hindi na lamang magbabayad ng interes.

Pwedeng ipagpatuloy ang kalakalang barter para maidispatsa ng Pilipinas ang hilaw na materyales nito na pang-eksport at kapalit nito’y mga produktong kapital at esensyal na mga produktong pangkonsumo.

Bago pa dumating ang panahon na mayroon nang demokratikong estadong bayan na matatag na nagpapatupad ng patakaran ng pambansang industriyalisasyon, ang mga sosyalistang bayan at relatibong abanteng bayan sa Ikatlong Daigdig ay makakapagtamo na ng mas mataas na antas ng pag-unlad at nasa pusisyon nang makakapagbigay ng mas maraming pautang na pangkalakal at pang-industiya ng Pilipinas.

Makibaka at 9:05 PM

(0) comments

Chapter 8

VIII. ANG PAMBANSA SYENTIPIKO AT PANGMASANG KULTURA

Hindi lamang kailanagn magrebolusyon sa larangan ng ekonomiya at politika kundi pati sa larangan ng kultura. Dahil dito ay maiiwasan ang pagkontrol at impluwensya ng US sa ating mga pagiisip at puso. Ang bagong demokratiklong rebolusyong pangkultura ay gumagaw ng sarili nitong mga arganisasyon at pamamaraan at kasabay nito ay pumapasok at nikibahagi sa mga institusyong pangkultura at mga proseso na dati nang ginagamit para idomina ang mamamayan.Ang bagong demokratikong kultura ay may pambansang katangian. Itinataguyod niyo, ipinagtatatangol at tinatangkilik ang pambansang soberanya at kasarinlan ng sambayanang Pilipino. Binibigyan inspirasyon nito ang bansa para makamit ang mithiin at matamo ang mas malalaking tagumpay. Pinapawi ng bagong demokratikong kultura ang kolonyal na mentalidad at nilalabanan ang bawat pangkulturang agresyon ng US. Pinagyayaman nito ang patriotismo respeto sa sarili at pag-asa sa sariling bansa. Pero handa itong matutunan at tangapin ang ib ang bagay na mula sa ibang bansa na kapakipakinabang. Sinasabi din na dapat tapusin ang kontrl ng US sa patakaran sa edukasyon at kultura. Dapat din daw bigyan ng grant at insentib ang mga Pilipinong manunulat at artista at mga produksyong pangkultura. Dapat din daw itaguyod ang syensya at teknolohiya sa mailnaw na layuning paunlarin ang industriya at ekonomya ng bayan. Sinasabing kung ganito ang mangyayari hindi na kailangang mangibang bayan ang mga propesyonal para maghanap ng oportunidad sa ibang bansa.

Makibaka at 5:19 AM

(0) comments

Chapter 9

IX.ANG NAGSASARILING PATAKARANG PANLABAS

Ang Pilipinas ay kapantay ng lahat ng ibang estado na may anumang laki at lakas. Sinasabing sa ilalim ng prinsipyo ng kasarinlan at pagkakapantay-pantay makakapagpaunlad ang Pilipinas ng pakikipag-ugnayan na may mutwal na respeto, mutwal na pakinabang at mutwal na suporta sa lahat ng ibang estdao at iwinawaksi nito ang anumang klase ng dominasyon at panghihimasok ng dayuhan. Maaring makipag-ugnayan ang Pilipinas sa lahat ng bayan anuman ang ideolohiya at sistemang panlipunan/ Nilalabanan ng demokratikong esatdong bayang ang imperyalismo, hegemonismo at kolonyalismo. Sinusuportahan nito ang mga inaaping mga bansa at di-mauunlad na bayan sa kanilang makatarungang pakikibaka para sa pambansang kasarinlan. Sinasabi dito na dapat ay alisin na sa Pilipinas ang kasunduang US-RP sa Base Militar at hayaang matapos ito sa 1991. Dapat ding ipawalang bisa ang kasunduang US-RP sa Ayudang Militar dahil inilalagay nito ang AFP sa kontrol ng Estados Unidos. Pag-ito raw ay napatupad ay makakakuha ng suporta ang Pilipinas sa mga bayan, mamamyan, kilusan at organisasyon sa Asya, Aprika at Amerika Latina. Sinasabing ang rebolusyonaryong pwersang Pilipino ay umaasa na maitatag ang isang demokratkong estadong bayan na may nagsasarilin nyutral at walang kinikilingang patakarang panlabas mapayapang nakikipamuhay kasama ng lahat ng kalapit-bayan at nagpapunlad ng pakikipag-ugnayan sa kanila nang may mutuwal na kapakinabangan.

Makibaka at 5:21 AM

(0) comments

Chapter 10

X. ANG HINAHARAP NG REBOLUSYONG PILIPINO

Sinasabing ang anti- Marcos ay inilarawan ng US bilang ang nangunang rebolusyon ng panggitnang uri. Wala na raw magwaawakas sa palalalang krisi pang ekonomya at politika ng malakolonyal at malapyudal na sistema kundi ang rebolusyonng pagdaluyong. Ang pamahalaang Aquino raw ay walang inalok na radikal na hakbang para mapalitaw ang pangmatagalang pagpapagaan o pangmatagalang solusyon sa mga malalalang problema ng lipinan. Dahil dito ay lumalaki na ang mga rebolusyonaryong pwersa. And mga pangunahing kasapi nito ay ang pwersa ng Partido Komunista ng Pilipinas, Bagong Hukbong Bayan at National Democratic Front. Dapat daw ay makipagkasundo ang Gubyernong Aquino sa mga rebolusyonaryong kilusan tungkol sa usapin ng pambansang soberanya at pagkakamit ng tunay na reporma sa lupa t pambansang industriyalismo kung nais nitong mapahusay ang bansa sa mga darating na panahon.

Makibaka at 5:24 AM

(0) comments

Mga Palagay, Puna at Kuro-kuro

1. Ang problemang ekonomikal na kinakaharap ng Pilipinas sa kasalukuyan ay hindi agad-agarang mahihinto sa bayolente at bara-barang pagrerebolusyon ng mga manggagawa dahil malamang ay aalma ang mga nakakataas sa ganitong paghihimagsik, at ito’y maaaring makalala pa sa ating kalagayan. Kung ganon, patuloy lang tayong umiikot sa isang bisyus saykel. Ngunit hindi rin natin ito dapat ipagsawalang-bahala na lamang dahil tayo’y babagsak hanggang sa tuluyan nang malugmok sa mga krisis ng ating bansa. Dapat ay imulat natin ang ating mga mata sa katotohanan at makita ang reyalidad na ang inaakala nating nakakatulong sa atin ay siya palang humuhuthot sa ating yaman na dapat sana’y sa atin. Maaari ngang mahina pa ang ating pwersa upang labanan ang mga mapaglinlang na tao na siyang nang-aabuso sa kahinaan ng mga Pilipino. Ngunit kung tayo’y magiging kritikal at mapanuri sa mga bagay-bagay sa ating paligid, at kung matututo tayong ihayag ang ating saloobin at ipaglaban ang ating mga karapatan, at kung tayong mga Pilipino ay magkakaisa, di rin maglalaon ay magiging sapat ang ating lakas upang ibangon ang Pilipinas sa karimlang pinagdudusahan natin ngayon. (R)
2. Ang pagbabasa ng librong Ekonomiya at Pulitika ng Pilipinas ay makakatulong sa ating bansa lalong-lalo na sa kalagayan natin ngayon. Dito sinabi kung ano – ano ang mganangyari noong panahon ng 1980’s lalong-lalo na nung martial law sa pamamahala ni PAngulong Ferdinand Marcos.
Isinasaad ng libro kung ano dapat ang gawin ng mga Pilipino, dahil sa may pagka-aktibista si Jose Maria Sison ang daming niyang gusting gawin at gusto niya ay gawin din ito ng iba pa niyang kababayan.
Maganda at may saysay ang kanyang mga isinulat ang kanyang mga paniniwala, may kabuluhan lahat ng sinabi niya kailangan lumaban ng mga Pilipino dahil isang demokrasyang bansa ang pilipinas at parati lang tayong sunod – sunuran ang mga Pilipino at walang magawa. Pero ang mahirap ngayon ay wala ng mabuting papalit sa mga naka-upo sa gobyerno kaya ang mga tao ay hindi nila alam kung ano ba ang kanilang ipaglalaban. Hindi gaya nung 1986 na lahat ng tao ay nagkaisa para maibalik ang demokrasya sa ating bansa. Ngayon, nabaliwala ang pinag-hirapan ng mga tao na nakipaglaban dahil ngayon ay pareho parin an gating problema. Madaming ngang nakikipag-laban pero kulang parin ito upang makamit ang gusto nating mangyari na gumanda an gating buhay lalong-lalo na ang ating ekonomiya.
Madami akong natutunan sa librong ito, sana ay mabasa ito ng mga Pilipino upang magising sila ulit at malaman kung ano ba dapat ang ipaglaban nang mga Pilipino. Sana lang ay makabalik siya ditto sa pilipinas para matulungan tayo at mas maintindihan kung ano dapat ang ipaglaban. (G)

3. Ang unang salitang pumapasok sa aking isipan kapag makita ko o marinig ko ang pangalan ni Jose Maria Sison ay ang salitang 'komunista'. At dahil sa media, napakapangit agad ng impresyon ko dito sa salitang ito. Pero ipinakita sa akin ni Joma dito sa librong ito na hindi pala masama, makasarili, malaterorista o pangit ang kanyang mga hangarin. Kabaliktaran nga ng mga salitang ito ang kanyang ninais-nais para sa Pilipinas at sa mga Pilipino. Kaunlaran ng Pilipinas ang gusto ni Joma. Ang magandang buhay para sa bawat Pilipino ang kanyang tanging pangarap.
Makabayan sa Joma. Makabayan sa lahat ng aspeto ng salitang iyon. Kapakanan ng bayan ang palaging nauuna sa kanya. Ang perpekto sa kung mayroong ganitong espiritung pagiging makabayan sa bawat isa sa atin, sa lahat ng Pilipino. at talagang uunlad ang Pilipinas. Tiyak na gaganda ang ating buhay kung sa kabuuan ay hindi tayo makasariling mamamayan.
Tama ang mga pananaw ni Joma – lalo na sa ekonomiya at pulitika ng Pilipinas. Makikita talaga sa kanyang mga pahayag ang imperyalismo ng Estados Unidos. Makikita na lahat ng mga patakarang ibinuo ay para sa kapakanan at kabutihan nila. Para bang kunyaring 'ibinigay' nila muli ang ating 'kalayaan' sa atin nuong 4 Julyo 1946 pero sa katotohanan ay ginawa lang tayong "puppet" nila. Lahat ng gusto nila nasusunod, lahat ng gawin nila sa Pilipinas pwede, kung may gusto tayong gawin ay aaprubahan muna nila. Hanggang ngayon ay totoo parin ito sa aking pananaw. Ang lungkot naman.
Paano na ang Pilipinas? Kailan ba tayo magkakaroon ng tunay na kalayaan? Kailan ba talaga magiging para sa at tunay na Pilipino ang Pilipinas? At kung isang araw, sa awa ng Diyos ay maging sariling atin na nga ito, kailan tayo uunlad? Kailan tayo magiging Pilipinas kung saan walang nagugutom na Pilipino? Kung saan lahat ng mga bata ay mayroong magandang kinabukasan? Kailan tayo magiging Pilipinas kung saan wala sa panganib ang buhay ng mga mamamayan?
Ang daming mga tanong na napakahirap sagutin, dahil mukhang wala itong tiyak na nga sagot. Pero napakaganda ng mga ideya ni Jose Maria Sison. Lalo na ang mga tungkol sa pambansang industriyalisasyon, pagpaplano sa ekonomiya, at tunay na reporma sa lupa. Pero mukhang napakaideyalistiko. Pero kung maisasatupad ang mga ito, ang sistema ng Bagong Demokrasya, magiging mas patas ang buhay, mas maganda at malaki ang posibilidad na umunlad ang Pilipinas. (E)

Makibaka at 3:32 PM

(0) comments

Analisis

Ekonomiya at Pulitika ng Pilipinas
At Blue Print of A Viable Philippines:
Isang Pagsusuri


Noong ika-walo ng Agosto, 2005, naganap sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, ang pagsusuri at pag presenta ng Blue Print of a Viable Philippines. Ang mga nagpamalas ng kanilang kaalaman tungkol sa Blue Print ay sina: Propesor Randy David, Propesor Renato Constantino Jr., Pangulong Francisco Nemezo, Propesor Isagani Serrano, Roger Posadas at Ma. Victoria Raquiza.

Sa ipinamigay ng babasahin ukol sa kanilang ipinresentang papel, ang pinakaunang premise ay: The Nation is in Crisis.
Pinuna nila ang mabagal na progreso ng Ekonomiya, ang labis na pagdepende sa mga mamamayan sa ibang bansa, ang pulitika na apestado ng kahirapan, ang sistema ng edukasyon, ang paglaganap ng krimen, at ang kawalan ng kredibilidad ng eleksyon, bilang sanhi.
Gaya ng inaasahan, tinalakay din ang mga paraan sa kung papaano masisimulang ayusin ang bansa natin na ayon sa kanila, ay lugmok na sa krisis.
Ang pinakaunang hakbangin, ayon sa kanila, ay bumuo ng isang malakas na estadong debelopmental. Ang estadong ito ay dapat may kakayanan na magpatupad ng mga batas at ng mga programa. Hindi dapat apestado ng media, pulitika, at kung ano-ano pang aspeto ang estadong ito. Ang progreso ay patungo sa pagkaka-pantay-pantay, upang ang progreso ng mga malalaking mamamayan ay hindi naaapakan ang progreso ng karaniwang mamamayan.

Puna sa Gobyerno at Rekomendasyon
Ayon sa Blue Print, hindi pagbabago ng sistema ang solusyon sa krisis. Ang pagbabagong sistema ay isa lamang pagtatakip o maagap na solusyon pero hindi ito makakatulong sa malayong panahon. Ang pagbabago ng sistemang party-list upang mabago ang mga partido at alyansa, ang sinasabing solusyon sa krisis Pulitikal ng bansa.

Puna sa Utang at Rekomendasyon
Pinupuna sa Blue Print ang isang paikot-ikot at walang katapusang proseso ng pag-utang at pagbayad ng utang. Ayon dito, ang ganitong uri ng proseso ay nagsasakripisyo ng mga pangunahing pangangailangan ng mamamayang Pilipino.
Nirerekomenda ng Blue Print na aralin ng mabuti ang utang na nakuha, pati na rin ang sanhi nito. Pangalawa, nirerekomenda din nito ang kontrobersyal na 5-yr Debt Relief, upang magkaroon tayo ng sinasabing “breathing space,” na magbibigay daan sa pansamantala, subalit malaki at makabuluhang pagbabago.




Puna sa Industriyalisasyon at Rekomendasyon
Ayon sa Blue Print, masyado na ang pagdepende ng ating ekonomiya sa pagpasok ng foreign investments, kung kaya’t nakakaligtaan na nitong palaguin ang ating mga industriya.
Sinasabing ang dahilan nito ay ang mga produktong hindi akma sa global market, mga produktong hindi kayang makipagsapalaran sa labas.
Ang rekomendasyon ng Blue Print ay paggawa ng isang industriyal na stratehiya na tutulong sa sector ng Agrikultura na gumawa ng mga produktong competitive.

Puna sa Agrikultura at Rekomendasyon

Isinasaad sa Blue Print na ang malaking sagabal sa pagunlad ng sector ng agrikultura sa ating bansa ay ang kawalan ng badjet. Dahil sa kawalan ng badjet na ito, nawawalan ng pagkakataon na magsaliksik tungkol sa mga maaaring mag palago ng sector na ito.
Ang pinakapundasyon ng mga magiging pagbabago ng sector ng agrikultura ay ang pagimplementa ng Agrarian Reform. Kung ito ay magagawan ng paraan, ang mga magsasaka ay magkakaroon ng akses sa pautang na maaaring gamitin upang mapagbuti ang kanilang sector.

Puna sa Agham at Teknolohiya, at Rekomendasyon
Ang Departamento ng Agham at Teknolohiya, ayon sa Blue Print, ay walang kapabilidad upang palaguin o di kaya’y gumawa ng programa para sa Agham at Teknolohiya.
Dahilan narin sa kahinaan ng mga industriya ng Pilipinas, nawawalan ng motibasyon ang pagunlad ng sector ng Agham at Teknolohiya.
Gaya ng sa pagpapalago ng industriya, ang maaaring paraan lamang ng pagpapalago ng sector ng agham at teknolohiya ay ang pag gawa ng isang sistema kung saan ang takbo ng progreso ay nasa iisang landas lamang at hindi hiwahiwala o magkakalayo.

Puna sa Edukasyon at Rekomendasyon
Habang ang ibang mga bansa sa daigdig ay nagiisip na ng mga moderno at progresibong paraan ng pagtuturo, an gating bansa naman ay nagiisip ng mapagkukuhanan ng pondo para malutasan ang kakulangan sa kagamitan, mga guro at mga klasrum.
Dahil narin sa napakalaking utang na pilit na binabayaran ng gobyerno, malaking porsyento ng badjet na nararapat sana sa programa ng edukasyon ay napupunta sa pagbabayad ng mga utang.
Ang isang mainam na solusyon ay ang pagpalaki ng badjet para sa edukasyon na siya namang magiging isang mabuti at mainam na investment para sa malayong hinaharap.

Marami pang ibang puna ang Blue Print. Meron pa sa kalakal, sa enerhiya, sa labor at employment, etc. Ang Subalit, iisa lamang ang daing ng lahat ng mga puna at rekomendasyon. Kinakailangan ng iisang sistema ng pagpapatakbo, komunikasyon sa loob ng bawat departamento, integrasyon at higit sa lahat, transparency.


Ang “Blue Print” at ang “Ekonomiya at Pulitika ng Pilipinas”

Gaya ng Blue Print, ang Ekonomiya at Pulitika ng Pilipinas ay isang pagpuna sa Gobyerno at pagpahayag ng mga rekomendasyon upang mapagbuti ang bansa.
Pareho ang pundasyon ng kanilang puna: na ang sambayanan, simula pa noong panahon ng pagkakasulat ng aklat nina Sison at Sison, ay lugmok na sa krisis.

Konteksto
Ang Ekonomiya at Pulitika ng Pilipinas ay isinulat sa panahon kung saan matunog na ang daing ng mga Pilipino na itigil ng gobyernong Marcos ang pilit na pagsunod sa mga alituntunin ng Amerika.
Ika nga ng mga aktibista noong panahong Marcos, naging “Tuta” na ni “Joe” si Marcos. Mula sa punto de bista na ito sinimulan ni Sison ang pagpuna sa Gobyerno.
Ilang dekada na ang nakalipas, ayon sa aklat, ay ang bansa ay patuloy paring sumusunod sa imperialismo ng Amerika.
Ayon sa aklat, ito ang pinakamalaking balakid sa pagunlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Kung masosolusyunan lamang ito at mabigyan ang bansa ng pagkakataon na tumayo sa sariling paa, maaaring magsimula na ang paglakbay patungo sa ibang direksyon.

Maging ang Blue Print ay naniniwala na masyado na tayong matagal na sumusunod sa kanluraning pagiisip n asa panahon ngayon ay taglay na lamang ng mga elitista. Lugmok na sa kahirapan ang ating bansa subalit talamak parin ang pandaraya at korupsyon.
Hinihikayat ng mga nagsulat ng Blue Print, gaya narin ng mga may akda ng Ekonomiya at Pulitika ng Pilipinas ang pagbabago ng sistema mula pa sa pinaka-ugat.

Maaaring sabihin na walang paraan upang maipatupad ang pagbabago subalit, sa konteksto noon at konteksto ngayon, mashado nang malalim at malayo ang pinagugatan ng problema kung kaya’t napapanahon na na ito ay hukayin at palitan ng panibago.
Totoong isa paring palaisipan kung sino ang magpapatupad ng mga pagbabagong iminumungkahi ng “Ekonomiya at Pulitika ng Pilipinas” at ng “Blue Print for a Viable Philippines.” Walang naghahamak na gumawa ng malaking pagbabago sa takot na masisi o masira sa bayan. Subalit kung tayo ay sobra na sa kahirapan, hindi ba’t nararapat na bigyan ng pagkakataon ang malaking pagbabago, gayong ang mga maliit na pagbabago ay hindi na nadarama ng maliliit na mamamayan?
Maaari rin na ang kinakatakutan ng marami ay ang malaking pagbabago na bubuwag sa status quo. Subalit para sa mga tunay na mamamayan, na nagiisip ng kapakanan ng buong bayan, ang pagbubuwag ng status quo ay isa lamang maliit na kabayaran sa isang maliwanag at magandang kinabukasan.
Makibaka at 11:13 PM

(0) comments
maystar designsmaystar designsmaystar designs
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com